The Golden Lion Pantry was initiated last April 19, 2021 to be able to share to the needy members of the varied community stakeholders across the nine campuses of the University.
Bilang tugon sa hangaring makatulong lalo na sa mga kapwa nating lubos na apektado ng pandemya, inilunsad ng Pangasinan State University ang sariling bersiyon nito ng Community Pantry hango sa Maginhawa Pantry sa Lungsod ng Quezon.
Ang Golden Lion Pantry ay bukas para sa mga taong nangangailangan, sa mga nawalan ng hanapbuhay o walang pantustos sa araw-araw. Gayundin, daan ito para sa mga taong may mabuting puso at bukas-palad upang kanilang maipakita ang busilak na hangaring makatulong sa kapwa. Upang magabayan ang lahat, narito ang mga patnubay at paalala sa pagbibigay at pagtanggap ng donasyon, at sa pagkuha at pamamahagi ng pagkain.